Kung napapansin ninyo mga repapits, iba na ang url nitong site ko na ito. Finally, sa pangungulit nung isang tabachingching dyan, eh bumili na ko ng domain. Sya na rin ang tumutulong sa akin na ayusin yung mga templates ng mga sites ko.
Salamat sa patuloy na pangungumbinsi ng mga trops na tumatabo na ng sandamakmak na salapi mula sa pagba-blog at naisipan ko na din, matapos ang ilang gabing puyat, na gawin nang dotcom ang mga blogs na ito.
Syempre special mention sila dito. Sila ay sina:
Kung me nalimutan ako ma mention, sensya na tao lang.
Tutal recession na dito sa pinagkukutaan ko, kelangan na ng ekstrang raket. Sa ngayon ay nag-aayos pa din ako ng mga anik-anik. Mga forty payb years siguro tapos na. Kasi naman sa dami ng sites ko, wan tawsand syete mil din ata yung mga anik anik na nakasalpak.
Kung kaya naman, kung sinisipag ka, paki-palit mo na lang yung link ko ha? Mula sa www.kopongkopong.blogspot.com, gawin mo nang
www.kopongkopong.com.
Pag natapos na ko mag-ayos, magpapakontest din ako para bumalik yung technorati link ko na nawala. Biruin mo naman, mula sa 163 na link, heto bokya ako ulit.
Oks? Piatots, inaayos ko lang yung braot.net. Tuloy yung plano ha?